Unposted Note: Life Lessons of 2011

1. Walang madali sa buhay. Kung ang iba ay mahilig mag-rant na mahirap ang buhay, BETTER ACCEPT it. Kung gusto mo dumali ang buhay mo, sumali sa Pinoy Big Brother, Survivor o kaya tumaya sa lotto.

2. Huwag sumapi sa Organisasyon ng may Malalabong Ugnayan (OMU). Ang OMU pala ay para sa mga ‘It’s Complicated’ or ‘Friends with Benefits’ na relationship status. Kung may initiation rites yan o may nagre-recruit sayo na sumapi, utang na loob, WAG NA LANG! Kawawa ka sa bandang huli.

 

3. Hindi masamang makisabay sa kanta ng Air Supply, Michael Learns to Rock, Eagles, Andrew E., Madame Auring, at iba pa. Dahil sa kanila, naaalala ko ang mga sandaling kinakanta sila sa bidyoke tuwing may family reunion.

4. Natuto akong magbigay halaga sa mga taong nagbibigay importansya sa salitang ‘Friendship’ *insert Kris Aquino soundbite*.  Yung tipong hindi nang-iiwan, umiyak ka man o mag-talk shit ka, e handang makinig sa yo, or vice versa.

 

5. Mahalin ang sarili. Kelangan pa bang i-memorize yan?

6. Adapt Delayed Self-Gratification. Kelangan pa ba i-memorize yan? 🙂

7. Kahit maasim o bitter ang buhay sayo, suklian mo ito ng matamis na ngiti 😀

8. Hindi ko alam kung may hater ako o wala. Pero, kung meron man SALAMAT. Hindi naman ako mabubuhay kung wala akong matatanggap na kritisismo sa inyo. Lalong hindi ko ikakamatay kung ayaw nyo sa kin. At least, I’M PENETRATING.

9. Well, hindi ko alam kung ilan muscles ang malulungkot kung laging kunot ang noo ko at ilang pounds ang mawawala pag badtrip ako, basta ang alam ko dapat naeexercise sila!

10. Walang masama sa inspirasyon. Sa loob ng ilang taon ng existence, na-define ko na sya. And sa totoo lang, masaya ang magkaroon ng inspirasyon. Kasi, ginaganahan kang mag-trabaho at maging isang ‘occasional crazy’ gal. And sa mga nagin inspirasyon ko, salamat. I heart you!

 

Abangan ang Part 2…

Ikaw, ano ang life lessons mo?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s